Friday, May 15, 2015

21 days breakthrough experienced






Yung una ang purpose ko lang naman talaga is mag grow yung prayer life ko. I admit hindi ako ganon kagaling mag pray (feeling ko hindi ako ganon ka intimate makipag usap kay God I think hindi katulad ng iba), feeling ko yung prayer ko hindi powerful at yung sa iba mas papakinggan ni God. 

In 21 days ang dami ko din na crossover na mga bagay bagay, especially sa attitude and habits, in 21 days meron dyan na ma te-temp ka na bumalik sa dating ikaw pero grabe lang talaga si God,he is in control talaga in everything lagi nya ni re-remind na kung bakit hindi ko kailangan bumalik sa dating ako, dahil ang ako ngayon ay mas better (much much better). 

Isa talaga sa problem ko yung finances ko at gusto ko talagang mag crossover don (hindi ko muna e-elaborate kung bakit at ano yon) basta in 21 days na bless din ako yung unang blessing is from my leader binigyan nya ako ng sideline.

2nd blessings nang matanggap ko yung kalahati ng 13th mos ko sa new company ko. Naaalala ko hindi ako ganon ka excited mag check ng ATM kase alam ko maliit lang yon dahil mag 2 mos palang ako sa work, pero ng mag check ako ng ATM laking gulat ko kase more than I expected yung money na natanggap ko. 

Today last day ng 21 days breakthrough. Tinapos ang prayer meeting sa pag te-testify ng mga nagkaroon ng breakthrough in 21 days.  Na amazed talaga ako sa mga stories ng mga taong na experienced talaga nila yung breakthrough nila. 

Habang nag sasalita sila na patanong ako sasarili ko "ako kaya ano ba yung breakthrough ko? Meron ba? ang alam ko lang kase in 21 days naging masaya ako at alam kong na establish yung relationship ko kay God kung baga alam ko na nag level up yung ralationship ko sa kanya.

Pero hindi pwedeng ganon lang yon dapat meron pa. May dalawa akong pinag pi-pray talaga kay God at habang pina pakingggan ko yung mga tao nag nag te-testify hindi ko ma iwasan na sabihin kay GOD na "God dapat may breakthrough din ako" something extra ordinary something na mismo ako talagang hindi ko ma contain yung breakthrough na yon. 

Yung finances pino-provide na ni God sa akin at yung isa alam ko may tamang time  para don. Hindi ko pa man sya ma experience ngayon alam ko God is working na for that kailangan ko lang ihanda ang sarili ko :). 

Latest update 

Alam kong payday today at hindi ako ka excited dahil authomatic na alam ko kung saan mapupunta ang kaperahan ko. At nag start na akong mag worry kung ma e-enroll ko na ba si enzo sa june. 

Pero kanina lunch time, naisipan ko na i follow up yung dati kong company para sa backpay ko, though nakuha na  yung tax and 2 mos na part ng 13 mos ko (na akala ko yon nalang lahat yung backpay ko). Laking gulat ko nang mag reply sa akin na for signature na daw yung backpay ko at next week baka ma release sya. 

Wow lang dahil madadagdag ko yon sa pang bayad ng tuition ng anak ko sa June. He is a good provider talaga ang daming beses na nya syang nag provide sa akin at thankful talaga ako don. 

Sa lahat ng yan in 21 days I feel blessed, yung sa experienced palang in 21 days is talagang sulit na sa akin yung learning's at experienced sapat na. Yung gumising ng 3am, pumasok ng naka bus (na ayaw na ayaw kong gawin pumasok ng nag ba-bus), yung mga words na na received ko in 21 days na ang laking  tulong sa personal growth ko and the fact na na kumpleto ko ang 21 days achievement na yon (dahil for the record ni simbang gabi never kong na kumpleto, kaya cheers) at yung opportunity na maka meet ng bagong kakilala sapat na. 

Pero hindi lang ganon ang gusto ni God para sa akin hindi lang basta sapat ang ibibigay nya. Na realized ko na in 21 days binigyan nya ako ng extraordinary life to experienced his presence and for me experiencing his presence every morning is a big big breakthrough

No comments:

Post a Comment