Monday, May 25, 2015

I proud of myself today


Yes I proud of myself today. Today I say NO. Muntik na akong mag give in, muntik ko na makalimutan na I'm a new person na nga pala. Na hindi na ako yung dating Anya. 

Hindi na ako yung dating babaeng basta basta mag papadala sa kung ano lang ang gusto ko. 

Na alala ko yung preaching ni Pastor Carlo nung sunday "Gawin ang dapat kesa sa Gusto".

Kahit gustong gusto kong makasama ang lalaking mahal ko dapat kong isipin na kung tama ba ito. Hindi ko pwedeng sunggaban yung opportunity na yon dahil yon yung mag papababa ng value ko as a person at kung paano ako titignan ng lalaking mahal ko. 

Yung una hinayaan ko dahil may gusto akong patunayan. At sa ngayon na may pangalawang pag kakataon hindi pwedeng maulit yung ganong pagkakamali. 

Ayaw ko nang panandaliang saya, gusto kong maging masaya ng pang habang buhay. Gusto kong nasa tama ang lahat. Ayaw ko ng maulit yung dati.

Hindi ko hahayaang sayangin yung binibigay sa akin ni God na pag kakataon para ayusin at gawing tama ang buhay ko ngayon. 

God I trust you kayo na po ang bahala sa akin at sa pamilya ko. I'll always pray for the restoration ng family ko, hindi ako pwedeng kumilos sa paraan na alam ko lang kailangan po kita. 

Turuan mo po akong maging malakas at maging matatag if I stumble God teach me po kung paano maging courageous para ipag patuloy yung dapat kong gawin. 

I want my life a beautiful story na mapupulutan ng aral ng mga taong makikilala ko. Nag babago ako para sayo God. I love you lord I always honor you. 

In jesus name I pray amen.

No comments:

Post a Comment